Alkohol 101

Beer ng mga adik, mga manyak, at mga nerd
Para saan ang alkohol? Ayon sa Wikipedia, "Humans can metabolize ethanol as an energy-providing nutrient". Ayon nga sa isa kong kaibigan, ang isang bote ng beer daw ay katumbas ng 2 cups of rice. Para rin itong kanin sa lakas magpalaki ng tiyan.
Ethanol ang tawag sa alkohol na matatagpuan sa mga alak, at iba ito sa Isopropyl alcohol na ginagamit sa bahay. Ang ethanol, kumpara sa ibang klase ng alkohol, ay hindi masyadong (medyo lang) nakakalason sa tao. Sa katunayan, kailangan ng 9000 mg/kg ng ethanol para pumatay ng isang tao. Ako ay tumitimbang ng 60 kilos, kung gayon ang dapat kong iwasan na dami ng ethanol na mainom ay umaabot sa 540 grams o kung gagawing mL,
540 g x (0.789 g/mL) = 426 mL
Kung titignan ang ilan sa mga sikat na alak, ganito lang dapat ang pinakamarami kong mainom:
San Mig Light (330mL, 5% alcohol) = 16.5mL/bote = 26 na bote
San Miguel Pale Pilsen (320mL, 5% alcohol) = 16mL/bote = 27 na bote
Red Horse (500mL, 7% alcohol) = 35mL/bote = 12 na bote
Gin Bulag (250mL, 80 proof) = 100mL/bote = 4 na bilog
Gran Matador (375mL, 32.5% alchohol) = 122mL/lapad = 3.5 na lapad
Sa mga resulta, maliwanag na ako'y matagal nang tulog o sumusuka na ng dugo bago ko pa marating ang lethal dosage.
Bakit nagkakaroon ng hang over?
Mayroong dalawang dahilan kung bakit nagkakaroon ng hangover ang isang tao matapos uminom ng madami.
- Dehydration - madalas tayong maihi kapag umiinom, at madalang naman tayong uminom ng tubig. Nawawalan ng maraming tubig ang ating katawan, lalo na ang utak, kung kayat paggising sa umaga ay sumasakit ang ating ulo.
Solusyon: uminom ng maraming tubig o ng ionized water (Gatorade, Pocari Sweat) matapos uminom at bago matulog. - Low Glucose - ang atay natin ang nagpoproseso ng alkohol upang magamit ito ng katawan. Kapag napaparami tayo ng inom, dumadami din ang trabaho ng ating atay para mawala ang alkohol sa ating katawan. Dahil dito, hindi na masyadong nakakaproduce ng glucose ang atay para ibigay sa iba't-ibang parte ng ating katawan, kasama na ang utak. Ang kawalan ng glucose ang siyang dahilan kung bakit tayo nanghihina, iritable, at moody (///-_- )
Solusyon: Huwag masyadong uminom ng madami. Kumain ng masustansya kinabukasan para manumbalik ang nawalang glucose sa katawan.
Wala na akong masabi.
Drink Moderately.
